Lunes, Oktubre 19, 2015

#HugotAklat



"Ang nobela may ending. Pero ang pagmamamahal ko sa’yo never ending."

Boom! Break it down yo! Haha. Inaamin ko, minsan ay natutuksot akong basahin kaagad ang ending ng isang libro kahit hindi ko pa ito nasisimulan. Gusto ko kasi ihanda ang sarili ko sa pagwawakas nito at gusto ko na malaman ang kahihinatnan ng istoryang hindi ko pa nababasa. Ngunit napagtanto ko na nababawasan na ang thrill kapag alam mo na agad ang ending.

Masasabi ko din na ang pagbabasa ng libro ay parang...

PAGKAIN
Mahirap i-digest kapag mabilisan ang pagkain. Dapat ay ngininguya ng mabuti para hindi mahirapan ang ating digestive system na tunawin ito at iabsorb ang sustansya nito. Parang pag absorb sa karunungan na hatid ng pagbabasa ng libro.
PAGSAKAY SA FERRIS WHEEL Makapigil hiningang paglalakbay. Nangangailangan din ng matinding tapang, katulad ng pag-explore ng iba’t ibang uri ng babasahin. Pero masaya sumakay sa ferris wheeeeel :D 

JOKE
“Anong hayop ang mahilig magbasa? Eh di manok!
“book book book book!” “
 Corny sa iba, benta naman sa iba.

PANGARAP
May kani-kaniya tayong pangarap na gustong makamtan; minsan sa sobrang pag-iisip ng kung ano ang kahihinatnan ng ating pagkilos, tayo ay nawawalan ng kumpiyansa. Subalit tulad ng pagbabasa ng isang aklat, kung gusto mo talaga ay hindi ka titigil sa pagbabasa hanggang sa makarating ka sa dulo at maabot mo ang iyong pangarap.

 PAG-IBIG
Ang pagbabasa ay hindi minamadali. Ito ay ninanamnam at iniiintindi. Ang pagbabasa ay tulad ng pagkamit ng matamis na sagot ng iyong sinisinta, dahan dahan at hindi sapilitan (naks).

KARAGATAN
Akala mo mababaw pero malalim pala. Akala mo hanggang doon na lang pero hindi pa pala.

Sabi nga nila, “the ending is only the beginning”. Parang BUHAY na nagsisimula sa isang pagwawakas. Paano ba ‘yan,  ipagpapatuloy ko na muli ang aking pagbabasa. Marami pa kasi akong kailangan matutunan at kailangan malaman. :-)

Sa panulat ni Mara.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento